Isa ka bang developer?
I-publish ang iyong Chrome AppsNa-update namin ang aming Mga Tuntunin ng Serbisyo noong Enero 27, 2024. Para sa higit pang detalye, nagbigay rin kami ng buod ng mga pangunahing pagbabago sa ibaba.
1.1 Sa pamamagitan ng paggamit sa Google Chrome Web Store (“Web Store”), tinatanggap at sinasang-ayunan mong mapailalim sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google na nasa https://policies.google.com/terms, sa Patakaran sa Privacy ng Google na nasa https://policies.google.com/privacy, at sa mga Tuntunin ng Serbisyo ng Web Store (na magkakasamang tinatawag na “Mga Tuntunin”).
1.2 Puwede mong gamitin ang Web Store para mag-browse, maghanap, at mag-download ng Mga Produkto (tinutukoy bilang software, content at mga digital na materyal na ginawa para gamitin kaugnay ng Google Chrome at ipinamamahagi sa pamamagitan ng Web Store) para gamitin kaugnay ng Google Chrome. Ang ilan sa Mga Produktong ito ay maaaring inaalok ng Google habang ang iba ay maaaring gawing available ng mga third-party na hindi nauugnay sa Google. Sumasang-ayon ka na hindi mananagot ang Google para sa anumang Produkto sa Web Store na hindi sa Google nanggaling.
1.3 Tinatanggap mo ang Mga Tuntunin sa pamamagitan ng (1) pag-click upang sumang-ayon o tumanggap kapag iniharap sa iyo ang mga opsyong ito, o kaya ay (2) aktwal na paggamit sa application o serbisyo sa web ng Web Store.
1.4 Upang magamit ang Web Store, dapat ikaw ay 13 taong gulang o mas matanda. Kung ikaw ay mula 13 hanggang 18 taong gulang, dapat ay mayroon kang pahintulot na gamitin ang Web Store mula sa iyong magulang o legal na tagapag-alaga.
2.1 Sumasang-ayon ka na maaaring ihinto (nang permanente o pansamantala) ng Google ang pagkakaloob sa Web Store (o anumang feature sa Web Store) sa iyo o sa mga user sa pangkalahatan sa sariling pagpapasya ng Google, nang walang paunang abiso sa iyo.
2.2 Sumasang-ayon ka na kung idi-disable ng Google ang access sa iyong account, maaaring hindi mo ma-access ang Web Store, ang mga detalye ng iyong account o anumang mga file o iba pang Produktong naka-store sa iyong account.
2.3 Ang suporta para sa paggamit at pagpapatakbo sa Web Store (kabilang kung paano maghanap, mag-download at mag-alis ng Mga Produkto) ay ibinibigay ng Google sa user interface ng Web Store application. Hindi nagbibigay ang Google ng customer support para sa Mga Produktong ipinapamahagi ng Mga Developer sa Web Store. Responsibilidad ng bawat Developer na tukuyin ang level ng customer support na ibibigay nila at dapat kang direktang makipag-ugnayan sa kanila.
3.1 Upang ma-access ang ilang partikular na serbisyo sa Web Store, posibleng i-require sa iyong magbigay ng impormasyon tungkol sa iyong sarili gaya ng iyong pangalan, email address, impormasyon ng Google account, address at mga detalye ng pagsingil. Sumasang-ayon ka na palaging tumpak, tama at napapanahon ang anumang naturang impormasyong ibibigay mo sa Google.
3.2 Sumasang-ayon ka na gamitin ang Web Store para lang sa mga layuning pinapahintulutan ng (a) Mga Tuntunin at (b) anumang naaangkop na batas, regulasyon o mga karaniwang tinatanggap na kagawian o alituntunin sa mga naaangkop na hurisdiksyon. Sumasang-ayon ka na sumunod sa lahat ng naaangkop na pagkontrol sa pag-export, kabilang, ngunit hindi limitado sa, Mga Regulasyon sa Pangangasiwa sa Pag-export ng Department of Commerce ng United States at mga programa para sa mga pagpapatibay na pinangangasiwaan ng Office of Foreign Assets Control ng Treasury Department ng United States. Sa pamamagitan ng paggamit ng Web Store, isinasaad at pinapatunayan mong hindi ka pinagbabawalang makatanggap ng mga export o serbisyo sa ilalim ng mga batas sa pag-export ng US o iba pang naaangkop na batas sa pag-export. Sumasang-ayon kang sumunod sa lahat ng lokal na batas at regulasyon tungkol sa pag-download, pag-install, at/o paggamit ng Mga Produkto.
3.3 Sumasang-ayon kang hindi i-access (o subukang i-access) ang Web Store sa anumang paraan bukod sa interface na ibinigay ng Google, maliban kung partikular kang pinayagang gawin ito sa isang hiwalay na kasunduan sa Google. Partikular kang sumasang-ayon na hindi i-access (o subukang i-access) ang Web Store sa pamamagitan ng anumang naka-automate na paraan (kabilang ang paggamit ng mga script, crawler o katulad na teknolohiya) at titiyakin mong sumusunod ka sa mga tagubiling itinakda ng anumang robots.txt file na nasa website ng Web Store.
3.4 Sumasang-ayon ka na hindi ka makikisangkot sa anumang aktibidad na nakakasagabal o nakakasira sa Web Store (o sa mga server at network na nakakonekta sa Web Store). Sumasang-ayon ka na hindi mo gagamitin ang alinman sa Mga Produktong matatagpuan sa Web Store sa paraang nakakasagabal o nakakasira sa anumang server, network o website na pinapatakbo ng Google o anumang third-party.
3.5 Maliban kung partikular kang pinahintulutan na gawin ito sa isang hiwalay na kasunduan sa Google, sumasang-ayon kang hindi mo gagawan ng kopya, idu-duplicate, kokopyahin, ibebenta, ikakalakal o muling ibebenta ang Web Store para sa anumang dahilan. Sumasang-ayon kang hindi ka gagawa ng kopya, magdu-duplicate, kokopya, magbebenta, mangangalakal o muling magbebenta ng anumang Produkto mula sa Web Store para sa anumang dahilan, maliban kung partikular kang pinahintulutang gawin ito sa isang hiwalay na kasunduan sa developer ng naturang Produkto.
3.6 Sumasang-ayon ka na ikaw lang ang may pananagutan (at na walang pananagutan ang Google sa iyo o sa anumang third party) para sa iyong paggamit sa Web Store at anumang Mga Produkto, anumang paglabag sa mga obligasyon mo sa ilalim ng Mga Tuntunin at para sa mga kahihinatnan (kabilang ang anumang uri ng pagkawala o pinsala na maaaring maranasan ng Google) dahil sa naturang paglabag.
3.7 Sumasang-ayon kang pagmamay-ari ng Google at/o mga third party ang lahat ng karapatan, titulo, at interes sa at para sa Web Store at Mga Produktong available sa pamamagitan ng Web Store, kabilang ang, pero hindi limitado sa, lahat ng naaangkop na Karapatan sa Intellectual Property sa Mga Produkto. Ang "Mga Karapatan sa Intellectual Property" ay tumutukoy sa alinman sa at lahat ng karapatan sa ilalim ng batas para sa patent, batas sa copyright, batas para sa trade secret, batas para sa trademark, batas para sa hindi makatarungang kumpetisyon, at sa alinman sa at lahat ng iba pang karapatan sa pagmamay-ari sa buong mundo. Sumasang-ayon kang hindi mo gagawin at hindi mo papayagan ang anumang third party na (i) kopyahin, ibenta, bigyan ng lisensya, ipamahagi, ilipat, baguhin, iakma, isalin, maghanda ng mga hinangong gawa, i-decompile, i-reverse engineer, kalasin o kung hindi man ay tangkaing maghango ng source code mula sa Mga Produkto, maliban kung pinahintulutan, (ii) magsagawa ng anumang aksyon upang iwasan o lusutan ang seguridad o mga panuntunan sa paggamit na inilatag, ipinamahagi o ipinatupad ng anumang functionality (kabilang nang walang limitasyon ang functionality ng digital rights management o forward-lock) sa Mga Produkto, (iii) gamitin ang Mga Produkto upang mag-access, kumopya, maglipat, mag-transcode o muling magpadala ng content na lumalabag sa anumang batas o mga karapatan ng third party, o (iv) alisin, takpan o baguhin ang mga abiso tungkol sa copyright, trademark o iba pang abiso sa mga karapatan sa pinagmamay-arian ng Google o ng anumang third party na nakakabit o napapaloob sa Mga Produkto.
3.8 Nakalaan sa Google ang karapatan (ngunit walang obligasyon) na paunang magsala, sumuri, mag-flag, mag-filter, magbago, tumanggi o mag-alis ng anuman o lahat ng Produkto sa Web Store. Gayunpaman, sumasang-ayon ka na sa pamamagitan ng paggamit sa Web Store, maaari kang maharap sa Mga Produktong maaaring ituring mo na nakakapanakit, malaswa o hindi kanais-nais at na gagamitin mo ang Web Store nang walang ibang mananagot bukod sa iyong sarili.
3.9 Mga Pagbabalik: Mayroon kang 30 minuto mula sa oras ng pagbili (hindi pag-download) upang magbalik ng anumang Mga Produktong binili sa Web Store para sa buong refund ng anumang naaangkop na bayarin. Isang beses ka lang maaaring magbalik ng isang Produkto; kung bibilhin mo ulit ang Produktong iyon sa susunod, hindi mo na ito maaaring ibalik para sa isa pang pagkakataon. Kapag may opsyong magbalik ng Produkto, magagamit mo ito sa pamamagitan ng user interface ng Web Store.
3.10 Mga Hindi Pagkakasundo sa Chargeback at Pagsingil: Hindi mananagot ang Google para sa anumang hindi pagkakasundo sa pagsingil na nagmula sa mga pagbili sa Web Store. Dapat idirekta ang lahat ng isyu sa pagsingil sa pinag-uusapang developer, sa tagaproseso ng pagbabayad, o sa kumpanya ng credit card mo kung naaangkop.
3.11 Mga patakaran sa pag-post ng mga rating, review, at isyu sa suporta: Ginawa ang mga rating at review para maging kapaki-pakinabang at mapagkakatiwalaan. Ang pag-review ng content sa Chrome Web Store ay magandang paraan para mag-share ng kapaki-pakinabang na feedback at tulungan ang iba pang user ng Chrome Web Store sa paghahanap ng magandang content at mga serbisyo.
Makikita sa ibaba ang mga patakaran ng Chrome Web Store para sa mga rating at review. Ang mga review at komento na nakakapanakit o lumalabag sa mga patakarang ito ay puwedeng alisin sa pamamagitan ng kumbinasyon ng naka-automate na pagsusuri at pagsusuri ng tao, at posibleng mawalan ng kakayahang mag-post sa Chrome Web Store ang sinumang paulit-ulit o labis-labis na lalabag sa mga ito. Permanente ang mga pag-aalis, maliban na lang kung magsusumite ka ng rebisyon para ayusin ang isyu. Ia-apply sa lahat ang mga aksyon sa pagpapatupad bilang default. Kung napapailalim sa paghihigpit sa teritoryo ang iyong aksyon sa pagpapatupad, aabisuhan ka tungkol sa impormasyong iyon.
3.11a Spam at mga pekeng review: Dapat maipakita ng iyong mga review ang experience na naranasan mo sa content o serbisyo na nire-review mo.
3.11b Mga review na walang kinalaman sa paksa: Huwag magpaligoy-ligoy at ituon ang mga review sa content, serbisyo, o experience na nire-review mo.
3.11c Pag-advertise: Gusto naming maging kapaki-pakinabang ang mga review, at hindi kapaki-pakinabang ang mga ito kung nagpo-promote ang mga ito ng iba pang bagay bukod sa content o serbisyong nire-review mo.
3.11d Salungatan ng interes: Pinakakapaki-pakinabang ang mga review kapag matapat at walang bias ang mga ito. Dapat ay isulat ang mga ito ng mga taong walang layuning kumita.
3.11e Naka-copyright na content: Dapat ay sa iyo mismo ang mga review at ipinapakita ng mga ito ang iyong mga personal na opinyon.
3.11f Personal at kumpidensyal na impormasyon: Ginawa ang mga review para mag-share ng mga experience, at puwede mong ipahayag ang palagay mo sa isang bagay nang hindi naglalahad ng sensitibong personal na impormasyon.
3.11g Ilegal na content: Dapat sumunod ang iyong mga review sa batas at anumang tuntunin o legal na kasunduan na sinang-ayunan mo.
3.11h Explicit na sekswal na content: Ginawa ang Chrome Web Store para sa malawak na audience, at dapat maipakita iyon ng mga review.
3.11i Mapoot na salita: Ginawa ang Chrome Web Store para sa lahat ng tao, at dapat maipakita iyon ng mga review.
3.11j Mga nakakapanakit na review: Ginawa ang Chrome Web Store para magbigay ng kasiyahan at kaalaman, at hindi para mang-atake at makapanakit.
4.1 Posibleng may mga feature ang ilang Produkto (binuo man ng Google o mga third party) na ginagamit kasabay ng iba pang produkto o serbisyo ng Google. Alinsunod dito, nasasaklawan din ang paggamit ng mga naturang feature ng Mga Produkto at serbisyong iyon ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google na nasa https://policies.google.com/terms, ng Patakaran sa Privacy ng Google na nasa https://policies.google.com/privacy, pati na rin ng anumang naaangkop na Mga Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Privacy na partikular sa Serbisyo ng Google.
4.2 Nasasaklawan ang iyong paggamit ng Mga Produktong binuo ng Google ng Seksyon 8 ng Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Web Store na ito (Mga Karagdagang Tuntunin ng End User para sa Mga Produktong Binuo ng Google) .
Hanggang sa pinakasaklaw na pinapahintulutan ng batas, sumasang-ayon kang ipagtanggol, bayaran ng danyos, at huwag ipahamak ang Google, mga affiliate nito, at ang kani-kanilang direktor, opisyal, empleyado at ahente sa at laban sa lahat at anumang claim, aksyon, pagdedemanda, o paglilitis, pati na rin sa anuman at lahat ng pagkawala, pananagutan, pinsala, halaga, at gastusin (kabilang ang naaangkop na mga bayad sa mga abogado) na dulot ng o naipon mula sa paggamit mo sa Web Store, kabilang ang iyong pag-download, pag-install, o paggamit ng anumang Produkto, o paglabag mo sa Mga Tuntuning ito.
HINDI NILALAYONG GAMITIN ANG WEB STORE O ANG ALINMAN SA MGA PRODUKTO SA PAGPAPATAKBO NG MGA NUCLEAR NA PASILIDAD, LIFE SUPPORT SYSTEM, PANG-EMERGENCY NA KOMUNIKASYON, SYSTEM NG NAVIGATION O PAKIKIPAG-UGNAYAN NG MGA SASAKYANG PANGHIMPAPAWID, SYSTEM NG PAGKONTROL NG TRAPIKO SA HIMPAPAWID, O ANUPAMANG NATURANG AKTIBIDAD KUNG SAAN POSIBLENG HUMANTONG ANG PAGPALYA NG MGA PRODUKTO SA PAGKAMATAY, PERSONAL NA PINSALA, O MALUBHANG PINSALA SA KATAWAN O KAPALIGIRAN.
7.1 Binubuo ng Mga Tuntuning ito ang buong legal na kasunduan sa pagitan mo at ng Google at sinasaklawan nito ang iyong paggamit ng Web Store at Mga Produkto, at ganap na pinapalitan ang anumang naunang kasunduan sa pagitan mo at ng Google kaugnay ng Web Store at Mga Produkto.
7.2 Kinikilala at sinasang-ayunan mo na ang bawat miyembro ng grupo ng mga kumpanya kung saan ang Google ay ang pangunahing kumpanya ay magiging mga nakikinabang na third party sa Mga Tuntuning ito at may karapatan ang naturang iba pang kumpanya na direktang ipatupad, at umaasa, sa anumang kundisyon ng Mga Tuntunin na ito na nagbibigay ng kapakinabangan (o mga karapatan na pabor) sa kanila. Bukod pa rito, wala nang iba pang tao o kumpanya ang magiging mga nakikinabang na third party sa Mga Tuntuning ito.
7.3 Sumasang-ayon kang papahintulutan ang Google na maglapat ng mga pamigil na remedyo (o ng katumbas na uri ng agarang legal na tulong) sa anumang hurisdiksyon.
8.1 sa pamamagitan ng pag-download, pag-install, o paggamit ng anumang produkto, o bahagi nito (“Produkto"), tinatanggap at sinasang-ayunan mong maipailalim sa Mga Tuntunin ng Serbisyo ng Google na nasa https://policies.google.com/terms at Patakaran sa Privacy ng Google na nasa https://policies.google.com/privacy.
Gayundin, sa pamamagitan ng pag-download, pag-install, o paggamit ng anumang Produkto, tinatanggap at sinasang-ayunan mo ang mga sumusunod na karagdagang tuntunin at kundisyon (ang “Mga Tuntunin at Kundisyon”).
8.2 Nasasaklawan din ang iyong paggamit ng mga naturang feature ng Produkto ng mga karagdagang Tuntunin ng Serbisyo ng Google Chrome at Chrome OS na nasa https://www.google.com/chrome/terms/, at ng Notification ng Privacy ng Chrome na nasa https://www.google.com/chrome/privacy/ pati na rin ng anumang naaangkop na Tuntunin ng Serbisyo at Patakaran sa Privacy na partikular sa Serbisyo ng Google, na posibleng ma-update paminsan-minsan at nang walang abiso. Binubuo ng iyong patuloy na paggamit sa Produkto ang iyong pakikipagkasundo sa Mga Tuntunin at Kundisyong ito pati na rin sa iba pang tuntuning nakalista sa talatang ito. Kung hindi ka sumasang-ayon, pakihinto ang paggamit sa Produkto.
8.3 Binuo ang Produktong ito, ang mga kaugnay na materyal, at dokumentasyon gamit ang mga pribadong pondo. Kung ang user ng Produkto ay isang ahensya, departamento, empleyado, o iba pang entity ng Pamahalaan ng United States, ang paggamit, pag-duplicate, paggawa ng kopya, paglunsad, pagbago, paghayag, o paglipat ng Produkto, kabilang ang teknikal na data at mga manual, ay pinaghihigpitan ng mga tuntunin, kundisyon, at kasunduang nakapaloob sa Mga Tuntunin at Kundisyong ito. Alinsunod sa Federal Acquisition Regulation 12.212 para sa mga sibilyang ahensya at Defense Federal Acquisition Regulation Supplement 227.7202 para sa mga ahensya ng militar, higit pang pinaghihigpitan ng Mga Tuntunin at Kundisyong ito ang paggamit sa Produktong ito.
8.4 Paminsan-minsan, puwedeng matukoy ng Google na lumalabag ang isang Produkto sa mga tuntunin o iba pang legal na kasunduan, batas, regulasyon, o patakaran ng Google Developer. Sumasang-ayon ka na sa ganitong pagkakataon, mananatili sa Google ang karapatang remote na i-disable o alisin ang Mga Produktong iyon sa iyong system sa sarili nitong pagpapasya. Paminsan-minsan, posibleng tingnan ng Google Chrome ang mga remote na server kung may mga available na update sa Mga Produkto, kabilang ang, pero hindi limitado sa mga pag-aayos ng bug o pinahusay na functionality. Kung may ganitong function ang iyong browser, sumasang-ayon kang awtomatikong ire-request, ida-download, at ii-install ang mga naturang update, sa ilang pagkakataon, nang walang karagdagang abiso sa iyo.
8.5 Patuloy na nalalapat ang Mga Tuntunin at Kundisyong ito hanggang sa wakasan mo ang mga ito o ng Google gaya nang inilarawan sa ibaba. Puwede mong wakasan ang Mga Tuntunin at Kundisyong ito anumang oras sa pamamagitan ng permanente at ganap na pag-delete sa Produkto sa iyong system o device. Awtomatiko at kaagad na magwawakas ang iyong mga karapatan nang walang abiso mula sa Google o anumang Third Party kung hindi ka makakasunod sa anumang probisyon ng Mga Tuntunin at Kundisyong ito. Sa ganitong pagkakataon, dapat mong i-delete kaagad ang Produkto.
8.6 Hanggang sa maximum na saklaw na pinapahintulutan ng batas, sumasang-ayon kang ipagtanggol, bayaran ng danyos, at huwag ipahamak ang Google, mga affiliate nito, at ang kani-kanilang mga direktor, opisyal, empleyado, at ahente sa at laban sa lahat at anumang claim, aksyon, pagdedemanda, o paglilitis, pati na rin sa anuman at lahat ng pagkawala, pananagutan, pinsala, halaga, at gastusin (kabilang ang naaangkop na mga bayad sa mga abogado) na dulot ng o naipon mula sa paggamit mo sa Produkto, kabilang ang iyong pag-download, pag-install, o paglabag mo sa Mga Tuntunin at Kundisyong ito.
8.7 HINDI NILALAYONG GAMITIN ANG PRODUKTO SA PAGPAPATAKBO NG MGA NUCLEAR NA PASILIDAD, LIFE SUPPORT SYSTEM, PANG-EMERGENCY NA KOMUNIKASYON, SYSTEM NG NAVIGATION O PAKIKIPAG-UGNAYAN NG MGA SASAKYANG PANGHIMPAPAWID, SYSTEM NG PAGKONTROL NG TRAPIKO SA HIMPAPAWID, O ANUPAMANG AKTIBIDAD KUNG SAAN POSIBLENG HUMANTONG ANG PAGPALYA NG PRODUKTO SA PAGKAMATAY, PERSONAL NA PINSALA, O MALUBHANG PINSALA SA KATAWAN O KAPALIGIRAN.
8.8 Binubuo ng Mga Tuntunin at Kundisyong ito at anupamang tuntuning isinasama sa pamamagitan ng pagbanggit ang buong Kasunduan sa pagitan mo at ng Google kaugnay ng Produkto at nasasaklawan nito ang iyong paggamit ng Produkto, at ganap na pinapalitan nito ang anumang nauna o kasabay na kasunduan sa pagitan mo at ng Google patungkol sa Produkto.
8.9 Sumasang-ayon kang mapahintulutan ang Google na maglapat ng mga pamigil na remedyo (o anumang uri ng agarang legal na tulong) sa anumang hurisdiksyon.